451
sonny-angara
Aug 9, 2019 @ 17:30
By

DepEd nagsasayang ng pondo – Angara

Bagama’t daang bilyon ang inilaang pondo para sa Department of Education (DepEd) kada taon, hindi umano natutugunan ang mga pangangailangan ng mga estudyante sa pampublikong paaralan, partikular ang kakulangan ng mga aklat at silid-aralan.

Ito ang inihayag ni Senador Sonny Angara bunsod ng nakakadismayang performance report ng binanggit ng Commission on Audit (COA) sa kanilang 2018 report kung saan sa 47,000 silid aralan na dapat sanang itayo ay 11 lamang ang nagawa nito.

“That’s not even one percent of the target. Tapos may mga nakita pa ang COA na mga classrooms na lagpas 2 taon na ang delay sa completion at nire-report pa na 99 percent completed na pero hindi naman pala,” sabi ni Angara, chairman ng Senate finance committee.

“Taon taon ang laki ng pondo na binibigay sa DepEd para sa edukasyon ng mga bata tapos masasayang lang ang malaking bahagi nito at makikita nanaman natin ang mga estudyanteng walang classroom,” dagdag nito.

Labis pang nainis ang senador nang malamang wala pa sa kalahati ng 3.8 milyong textbook o libro at iba pang instructional material ang dapat ipinamahagi na sa buong bansa subalit 11.9 milyon pa lamang ang nai-deliver nito.

Nadiskubre pa ng COA na mahigit sa 3.4 milyong kopa ng instructional material na nagkakahalaga ng P113.7 milyon na nabili mula 2014 hanggang 2017 ang nadiskubreng nabubulok sa warehouse ng DepEd.

Nadiskubre ring marami ring mali sa libro ng Grade 3 kaya’t nasayang lang ang P253.3 milyong piso inilaan ng DepEd para dito.

“Education always gets the biggest share of the government’s funds and rightfully so because this will ensure the country remains competitive with its people as its backbone,” ani Angara.

“So why are we shortchanging our people on this front with such inefficiencies?” dagdag pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?