15
abante-tnt-vismin-brigada-eskuwela
By

DepEd naghahanda na sa Oplan Brigada Eskuwela 2018

Sharing is caring!

SIMULA sa Mayo 28 ay pagaganahin na ng DepEd ang kanilang Oplan Balik Eskuwela para sa pagsisimula muli ng mga klase ngayon taon.

Ayon kay Education Sec. Leonor Briones layon nito na matiyak na maayos ang enrollment at makakapasok sila sa unang araw ng klase sa Hunyo.

Dagdag pa nito matutugunan din nila ang ang mga karaniwang problema at isyu sa tuwing nagbubukas ang mga klase.

Sa punong tanggapan ng DepEd sa Pasig City itatayo ang Oplan Brigada Eskuwela Information and Action Center para tumanggap ng mga reklamo at paglilinaw ukol sa school opening.

Maging ang kanilang regional at division offices ay hinihikayat din na magtayo ng command center para sa kahalintulad na layunin.

Dagdag pa ni Briones nakikipa ugnayan na sila sa ibang ahensiya ng gobyerno para matugunan ang iba pang isyu gaya ng kulang na pasilidad sa mga paaralan.

Itinakda naman sa Hunyo 4 ang muling pagbubukas ng mga klase sa lahat ng mga pampublikong paaralan sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?