11
pascua1
By

DepEd nagbuo ng Task Force para protektahan ang mga guro

Sharing is caring!

Kasado na ang binuong Election Task Force (ETF) and Monitoring Center na binuo ng Department of Education (DepEd), katuwang ang ilang government agencies, para sa maayos at malinis na 2018 barangay and Sangguniang Kabataan (SK) elections.

Ayon kay Undersecretary for Administration Alain Del Pascua, handa na ang DepEd sa paparating na hahalan na kung saan kabilang ang ilang DepEd personnel na boluntaryong magtatrabaho para sa eleksyon.

“Kami po ay nakahanda na para sa darating na halalan sa Mayo 14. Mahigit 300 DepEd personnel at opisyal nito ang magbibigay ng suporta sa mga gurong magsisilbi sa halalan sa pamamagitan ng binuong Election Task Force (ETF) and Monitoring Center,” dagag pa ni Del Pascua.

Nabatid na ang binuong task force ay magsisilbi hindi lamang sa Metro Manila kundi sa lahat ng lalawigan at probinsya sa bansa upang masiguro ang kaligtasan ng mga guro at ang task force ang magbibigay ng sapat na impormasyon at ng technical and legal assistance kung kinakailangan.

Kasabay nito, nagkasundo naman ang Commission on Elections (COMELEC) at DepEd sa pamamagitan ng Memorandum Of Agreement na magbibigay ng proteksyon at kasiguruhan sa mga guro at DepEd personnel na magtatrabaho sa eleksyon na mabigyan ng sapat na honoraria at allowances.

Una nang hiniling ni Education Secretary Leonor Magtolis Briones sa COMELEC na pansinin ang iniuukol na oras at pagod ng mga nagtatrabahong guro sa eleksyon na mabigyan ng sapat na benepisyo.

Siniguro naman ni PNP Chief Oscar Albayalde ang kaligtasan at kaayusan sa magaganap na Barangay at SK elections Kasabay ng pagtatalaga ng kapulisan ang mga hot areas na kung saan mainit ang halalan.

Kabilang sa mga ahensya na katuwang ng DepEd ay ang Integrated Bar of the Philippines (IBP), Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV), Philippine Red Cross, Department of Health (DOH), Department of Interior and Local Government (DILG), at Armed Forces of the Philippines (AFP).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?