30
deped-rape-slay
By

DepEd, naalarma sa rape-slay sa HS student sa CamSur

Sharing is caring!

Naalarma ang Department of Education ( DepEd ) sa naganap na panggagahasa at pagpatay sa isang junior high school student sa isang sagingan sa Tigaon, Camarines Sur kamakailan.

Ang biktima, na isang Grade 7 student ng Tinawagan High School, ay huling nakitang buhay ng kanyang nakababatang kapatid na lalaki habang naglalakad pauwi ngunit hindi na ito nakarating pa sa kanilang tahanan noong Disyembre 7.

Kaagad namang ini-report ng kanyang mga magulang ang insidente sa barangay at nang hanapin ay natagpuan na ang bangkay ng  biktima sa isang sagingan, na may 50-metro lamang ang layo mula sa kanilang tahanan.

Kaugnay nito, tiniyak ng DepEd na patuloy silang makikipag-ugnayan sa mga awtoridad upang mabigyan ng hustisya ang biktima at mapatawan ng kaparusahan ang mga taong may kagagawan ng krimen.

“DepEd remains committed to protecting the rights and well-being of its learners against any form of abuse, violence, threat, exploitation, and discrimination,” bahagi pa ng pahayag ng DepEd.

Nanawagan din ang DepEd sa mga magulang at mga miyembro ng komunidad na maging vigilante upang maprotektahan ang kaligtasan at buhay ng kanilang mga anak.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?