35

Jun 25, 2020 @ 20:15

DepEd: Mga retiradong guro, fresh grad, magbabantay sa estudyante na walang internet

Magsisilbing tutor ang mga retiradong guro at mga fresh graduate para sa mga estudyante na walang internet connection sa pagsisimula ng pasukan sa Agosto.

Ayon sa Department of Education (DepEd), plano nilang tapikin ang mga retired teacher at mga bagong graduate para mabisita ang mga estudyanteng walang kakayahan sa online learning.

“Paano kung hindi sapat ang mga guro? We will engage mga retired teachers, community learning facilitators para sila po tutulong na umikot para magkaroon ng some form of intervention ang mga learners natin,” ayon kay Education Undersecretary Tonisito Umali .

Saad pa ni DepEd Bureau of Curriculum Development Director Jocelyn Andaya, kahit ang mga hindi pa nakakapasa sa licensure exam ay pwede ring kuhanin sa nasabing programa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?