229

Oct 6, 2018 @ 19:45
By

DepEd makikipag-ugnayan sa AFP ukol sa school recruitment ng NPA

Bukas si Education Secretary Leonor Briones sa pakikipag-usap sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ukol sa napaulat na recruitment ng New People’s Army (NPA) sa mga eskuwelahan.

Ito ang sinabi ni Education Usec. Anna Sevilla at aniya kailangan ng paliwanagan sa naging alegasyon ng AFP.

Una nang pinalagan ng karamihan sa 18 unibersidad ang inanunsiyo ni AFP assistant ddeputy chief of staff for operations Brig. Gen. Antonio Parlade Jr.

Sinabi ni Parlade na may panghihikayat sa mga estudyante ng mga unibersidad na umanib sa NPA sa pamamagitan ng pagpapalabas ng mga pelikula ukol sa martial law noong administrasyong-Marcos.

Ang mga hinihikayat na estudyante ay nais isama sa Red October plot, ang plano para pabagsakin ang gobyernong-Duterte.

Nais ng mga eskuwelahan na bawiin ng AFP ang alegasyon dahil sa posibilidad na mapahamak ang kanilang mga estudyante.

Ang AFP ay nagsabi na rin na handa silang kausapin ang pamunuan ng mga paaralan ukol sa ginagawang recruitment ng NPA sa hanay ng mga estudyante.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?