11
deped1
By

DepEd magtatayo ng 2,000 school clinics sa 2019

Sharing is caring!

Inanunsiyo ng Department of Education (DepEd) na sa susunod na taon, 2,101 health clinics ang maitatayo sa mga pampublikong paaralan sa bansa.

Sinabi ni Education Usec. Alain del Pascua, ito’y para matiyak na ang lahat ng mga mag-aaral ay mapapangalagaan ang kalusugan.

Aniya, ang mga klinika ay gagamitin din na lugar para sa Oplan Kalusugan (OK) Program ng kagawaran na layong matiyak na hindi magiging hadlang ang isyu sa kalusugan sa pag-aaral ng mga bata at kabataan.

Paliwanag pa ng opisyal, na isa sa mga classroom sa mga public school ay gagawing clinic at lalagyan ng lahat ng “basic medical and dental equipment”.

Ang plano umano nilang ito ay bukod sa kontrobersiyal na school-based Barangay Health Stations ng Department of Health.

Aminado ito na sa ngayon, hindi lahat ng mga pampublikong paaralan sa bansa ay may sariling klinika.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?