21

Nov 8, 2021 @ 18:27
By

DepEd: Libreng mental health support para sa guro’t mag-aaral ibinida

Naglunsad ang Department of Education (DepEd) ng isang helpline system na naglalayong magbigay ng tulong sa mga mag-aaral at guro na nakakaranas ng mental distress sa gitna ng pandemya ng Covid 19.

Gumawa ang ahensya ng listahan ng mga organisasyon kasama ang kanilang mga detalye sa pakikipag-ugnayan na maaaring ma-access ng mga mag-aaral at mga guro na nais humingi ng psychological support.

Naglabas na ang DepEd ng Memorandum No. 072 na nag-uutos tanggapan ng ahensya na isama ang mga helpline ng mga grupong nagbibigay ng mental support.

“These helplines can provide various ways to support our learners and personnel. They may provide mental health and psychosocial support services, as well as wellness checks,” pahayag ni Director Ronilda Co ng DepEd’s Disaster Risk Reduction Management Service.

Mahigit 28.21 milyong Pilipinong estudyante ang naka-enrol sa School Year 2021-2022.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?