20

Oct 23, 2020 @ 16:34
By

DepEd: Fake news pagpapasibak ng libong guro kay Briones

Inimbestigahan ng Department of Education ang lumabas na balita na libo-libo umanong guro sa public school sa Pangasinan ang gustong matanggal si DepEd Secretary Leonor Briones dahil hindi na umano maganda ang performance nito bilang kalihim.

Ayon kay DepEd spokesperson Nepomuceno Malaluan, fake news umano ang nasabing paratang.

“Upon our validation, first, the so-called thousands of public school teachers in elementary and junior high school having urged President Rodrigo Duterte to fire Education Secretary Leonor Briones, that is fake,” lahad ni Malaluan.

“What was referred to was Dagupan City, three district supervisors, and there are only 10, and all of these division superintendents of Dagupan attest that no interview with any of them took place or any statement as quoted in the report as have been made,” saad pa ng tagapagsalita ng DepEd.

Pinasinungalingan din ng DepEd ang mga report na ang mga guro umano sa Dagupan ang gumagastos sa printing ng mga module.

“These statements are from the division superintendents, the officers of the PTA (Parents-Teachers Association) Federated in Dagupan City, the Dagupan City Public School Teachers and Employees Association, the Philippine Elementary Schools Principals Association in Dagupan, and National Association of Public Secondary School Heads in Dagupan, all disputing such a claim in the report and also attesting to their support for the secretary,” giit pa ng DepEd official.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?