23

Jul 2, 2020 @ 16:14
By

DepEd dapat mag-pilot test sa bagong learning system – cong

Hiniling ni House Minority Leader Bienvenido Abante Jr. sa Department of Education (DepEd) na magsagawa muna ito ng pilot test kaugnay sa planong bagong learning modes habang iminungkahi rin ang pagpapatupad ng pass or fail grading system para sa unang termino ng klase bilang bahagi ng pag-aadjust ng mga guro at estudyante sa bagong sistema.

Naniniwala ang kongresista na dapat maging maluwag muna sa grading system sa unang termino ng klase dahil nasa pandemya pa ang bansa at sisimulan pa lamang ang pagpapatupad ng bagong learning mode.

“For this school year, given all the adjustments students and teachers must make, it may be prudent to adopt a pass or fail grading system in the first term as everyone adjusts to the new system. So the focus should be on education per se and not the grades of these pupils,” ayon kay Abante.

Gayunpaman, sa pilot testing, sianbi ng Abante, maaaring gawin ito sa mga piling lugar upang sa gayon kapag magkaroon ng aberya ay agad na matukoy ang problema at matugunan bago pa sisimulan ang full operation ng bagong sistema.

“We agree that face-to-face classes should be suspended until vaccines are available or until we are 100 percent sure that the outbreak has been contained,” dagdag pa ni Abante.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?