128

Oct 18, 2017 @ 9:46

DepEd chief sa mga guro: Aral aral din ‘pag may time

Hinamon ni Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Magtolis Briones ang mahigit 687,225 mga guro sa bansa na mag-aral din upang may maituturong bagong teknik na matututunan ng mga mag-aaral sa araw-araw na pagtuturo sa klase.

“Kung gusto natin matuto ang ating mga learners, kailangan, mag-learn din tayo. Walang katapusan ang learning para sa learners, so wala ring katapusan sa mga teachers. Learn something new every day and become catalysts of change as they inculcate the importance of critical and creative thinking among learners,” paliwanag ng kalihim.

Bilang guro, ayon kay Secretary Briones, kailangan ding mag-aral ang mga guro ng bagong stratehiya na magugustuhan at magiging inspirasyon ng mga mag-aaral.

Isa sa magandang halimbawa ang ipinunto ng kalihim ay ang klase ng pag-aaral na ginagawa ng mga batikang guro na tulad nina Marie Curie, Nelson Mandela, Albert Einstein, Mahatma Gandhi, Gautama Buddha, at Jesus Christ na hanggang ngayon ay nagbibigay ng aral at nagagamit sa pang-araw-araw na kabuhayan at tiyak na naging inspirasyon ng kabataan.

Ito ang ipinaalala ng kalihim sa mga dumalong 6,000 educators bilang bahagi ng World Teachers Day na tampok sa temang Gurong Pilipino: Kaakbay sa Progreso na ginawa sa Legazpi City, Albay. (Vick Aquino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?