22

Jan 26, 2021 @ 16:46
By

DepEd: Bawal pa rin lumabas mga bata

Sumang-ayon ang Department of Education (DepEd) sa desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na bawiin ang pagpapahintulot niya sa mga 10 hanggang 14-anyos na lumabas ng kani-kanilang mga bahay para sa mga lugar na sakop ng modified general community quarantine (MGCQ).

“Kami po ay pumapayag dahil may batas na tayo na nagsasabi na ang Presidente ang magdedesisyon tungkol sa pagbukas at pagsara ng ating mga programa sa DepEd, on the recommendation of the DepEd,” ani DepEd Secretary Leonor Briones sa isang briefing kanina.

Matatandaang binawi kagabi ni Pang. Duterte ang pagpapahintulot niya sa mga menor de edad na lumabas ng bahay buhat ng banta ng bagong COVID-19 variant.

“Balik ho kayo sa bahay muna… Pasensiya na po kayo. Mine is just a precaution. Takot lang ako kasi itong bagong strain strikes the young children,” sambit niya.

“Napilitan akong i-reimpose ‘yung [restrictions on] 10 to 14 [years old]. Not at this time. It’s a sacrifice for the parents and for the children,” dagdag pa niya.

Kaugnay ito sa anunsyo ni presidential spokesman Harry Roque noong nakaraang linggo na binabaan na ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases ang age restriction sa mga lugar na nakailalim sa MGCQ

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?