18

Nov 16, 2021 @ 14:28
By

DepEd: Armadong pulis, no need na sa paaralan

Pinaalalahanan ng Department of Education (DepEd) ang mga school official at Local Government Unit (LGU) na dapat panatilihin ang mga paaralan bilang isang ligtas na lugar matapos na mamataan ang ilang armadong pulis sa loob ng silid-aralan.

Napansin ng ilan ang isang larawan kung saan makikita ang presensya ng armadong pulis sa loob ng Longos Elementary School sa Alaminos City, Pangasinan, sa pilot run ng face-to-face class nitong Lunes.

Sa isang pahayag, sinabi ng DepEd na ang mga armadong tauhan ay bahagi ng seguridad ng isang opisyal na bumisita sa paaralan.

“Base sa ulat ng field, parte ang mga naturang pulis ng pagsisiguro sa seguridad ng isang opisyal ng LGU na bumisita sa paaralan,” pahayag ng DepEd sa kanilang Facebook post nitong Nobyembre 15.

https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=260201622814985&id=100064754464538

Dahil dito muling ipinaalala ng DepEd na dapat sundin ang “National Policy Framework on Learners and Schools as Zones of Peace.”

“Upang maiwasan ang kahalintulad na insidente sa hinaharap, pinaaalalahanan natin ang ating field officials at puno ng paaralan na mahigpit na ipatupad ang ating National Policy Framework on Learners and Schools as Zones of Peace (DepEd Order No. 32, s. 2019),” dagdag ng ahensya.

Nakasaad sa nasabing polisiya na ang mga paaralan ay dapat na malaya sa presensya ng mga armadong mandirigma, maging sila ay mula sa pwersa ng gobyerno o armadong grupo. (Sherrylou Nemis)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?