31

Aug 26, 2020 @ 23:03

DepEd: 440 private school magsasara na

Nasa 440 pribadong paaralan sa buong bansa ang nakatakdang magsara ngayong taon, na apektado ng COVID-19 pandemic, ayon sa datos ng Department of Education (DepEd).

Sa tala ng departamento, pinakamaraming private school na nakatakdang magsara sa Central Luzon na may 88, sinundan ito ng 67 sa Calabarzon, habang 54 naman sa mga eskwelahan sa Metro Manila.

Kasama rin sa top 5 na may pinakamaraming magsasarang private school ang rehiyon ng Western Visayas na may 48, at 34 naman sa Central Visayas.

Ayon kay Education Undersecretary Jesus Mateo ang kakulangan sa enrollment at mataas na operating cost ang dahilan ng pagsasara ng mga eskwelahan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?