20
deped1
By

DepEd: 19,704 paaralan apektado ng bagyong ‘Ompong’

Sharing is caring!

Inalerto na ng Department of Education (DepEd) ang mga paaralan na sakop ng 11 rehiyon sa bansa o nasa 19,704 paaralan ang maaapektuhan ng bagyong ‘Ompong’.

Ayon kay DepEd Secretary Leonor Magtolis Briones, nakipag-ugnayan na sila sa Disaster Risk Reduction and Management Service (DRRMS) para sa paghahanda, monitoring at pagresponde sa mga paaralan na gagamiting evacuation center.

“Kailangan pong maging ligtas ang lahat at dapat na maging handa ang mga guro sa posibleng mangyari. Kailangan nating gamitin ang DRRMS para sa pag-monitor ng mga lugar. Malaki po ang naitutulong ng mga paaralan dahil maraming pamilya ang nasasagip at doon na dinala para ligtas sa evacuation centers,” ayon kay Sec. Briones.

Base sa report ng DRRMS, maaapektuhan ng bagyong Ompong ang may 76 school division, 19,704 schools, at 7,722,707 mag-aaral.

Kabilang sa mga apektadong rehiyon ang Regions I, II, III, IV-A, V, VI, VIII, X, Cordillera Administrative Region (CAR), National Capital Region (NCR) at CARAGA Region.

Tiniyak pa ng pamunuan ng DepEd na handa ang lahat ng field office sa posibleng mangyari sa mga masisirang paaralan at kailangang nakahanda na rin sa pamamagitan ng pag-aayos ng mga gamit at itabi ang mga mahahalagang dokumento ng bawat paaralan.

Magkaroon ng koordinasyon sa lahat ng mga Regional Director, Schools Division Superintendent, at chiefs of Education Support Services Division (ESSD) at School Governance and Operations Division (SGOD).

Imo-monitor ang lahat ng regions and divisions na may class suspension at mga paaralan na nagagamit na bilang evacuation centers.

Kailangan ding mag-talaga ng staff para sa 24/7 red alert duty sa bawat operation center sa panahon ng pananalasa ng bagyong Ompong.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?