19

Nov 22, 2021 @ 17:40
By

DepEd: 18 pribadong paaralan lumahok sa pilot face-to-face class

Nagsimula na ang limitadomg pilot face-to-face classes ng 18 pribadong paaralan mula sa iba’t ibang lugar na “low-risk” sa banta ng COVID-19 nitong Lunes.

Ayon sa Department of Education (DepEd), 20 paaralan sa mga low-risk na lugar ang dapat na magsimula ng face-to-face class ngunit dalawang paaralan ang ipinagpaliban muna ang klase dahil sa problema sa academic calendar.

May iba pang pribadong paaralan sa ibang rehiyon ang naghihintay din sa direktiba ng DepEd na payagan silang ipagpatuloy ang face-to-face classes.

Nitong Nobyembre 15, pinayagang magsimula ng face-to-face classes ang ilang pampublikong paaralan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?