9

Oct 29, 2020 @ 18:09
By

Department of OFW napapanahon – Velasco

Suportado ni House Speaker Lord Allan Velasco ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na sertipikahan bilang “urgent” ang panukalang pagtatag ng departamento para sa mga OFW.

Naniniwala si Velasco na sa pandemya na kasalukuyang kinakaharap ng buong mundo, maraming OFW ang nawalan ng trabaho kaya tunay na napapanahon na para magkaroon ng isang departamento na tututok lamang sa pagtulong sa pangangailangan ng mga ito.

“President Duterte’s statement that he will certify as urgent the measure for the creation of the Department of OFWs is very timely in order to address the woes confronting our migrant workers in these difficult times and at the same time help them transition when the global economy begins to reopen and return to pre-pandemic level,” ayon kay Velasco.

Hindi naman umano mapagkakaila ang malaking ambag ng mga OFW sa ekonomiya ng bansa kung kaya’t nararapat lamang na bigyan din ng sapat na tulong ang mga ito.

Magugunitang aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang House Bill No. 5832, o pagtatag ng Department of Filipino Overseas (DFO) noong Marso pa at inaasahang mapagtitibay na ng Senado ang sariling bersiyon nila ng panukala.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?