40
kamara
By

Department of Disaster Resilience lusot na sa 2nd reading sa Kamara

Inaprubahan na ng Kamara sa ikalawang pagbasa ang panukalang batas na lilikha ng Department of Disaster Resilience (DDR).

Ipinasa ng mga kongresista ang House Bill No. 8165 na inisponsoran ni Camiguin Rep. Xavier Jesus Romualdo sa pamamagitan ng viva voce voting.

Kapag naging batas, ang DDR na ang magiging responsable sa pangangasiwa at koordinasyon ng paghahanda, implementasyon, monitoring at evaluation sa panahon ng kalamidad gayundin sa mga plano at programa laban sa climate change.

Sa ilalim nito, magtatatag ng National Disaster Resilience Council na pamumunuan ng kalihim ng DDR, na siyang magsisilbing policy advisory body ng ahensya. Ang bubuo dito ay ang mga kalihim ng iba’t ibang ahensya kabilang ang Department of Science and Technology (DOST), Department of Health (DOH), at Department of Environment and National Resources (DENR).

Bibigyan rin ng kapangyarihan ang Kagawaran na magdeklara ng state of calamity kung kinakailangan sa mga lugar na apektado ng kalamidad.

Ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) at ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ay magiging attached agencies ng DDR.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?