15

Oct 17, 2020 @ 8:46
By

Denver walang respeto kay Carmelo

Isa si Carmelo Anthony sa mga pinakakinakatakutang scorer bago pa man pumutok ang pangalan nina Kevin Durant, Steph Curry, James Harden at iba pang superstar.

At malaking parte ng kanyang pamamayagpag sa basketball ay ang Denver Nuggets, na nag-draft sa kanya noong 2003 kung saan naging instant go-to-guy siya ng naturang koponan.

Sa walong taon niya sa Denver, walang mintis si Melo sa pagpapaabot ng koponan sa playoffs, dagdag pa ang kauna-unahan nilang Eastern Conference Finals appearance buhat noong 1985.

Kaya naman maraming Denver fan ang mahal pa rin si Melo dahil sa ambag nito sa franchise, ngunit tila walang respeto ang mismong koponan sa 10-time NBA All-Star.

Sa tweet ng Denver Nuggets official Twitter account, hindi napasama si Melo sa mga pinagpipilian para sa ‘favorite Nugget of all-time’ ng mga fan.

Marami ang nadismaya sa ginawa ng Denver, kasama na rito ang Portland Trail Blazers na naging tahanan ni Melo sa nagdaang season.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?