By

Denuclearization ng Korean Peninsula inaasahan matapos ang Trump-Kim summit – Cayetano

Sharing is caring!

Pinapurihan ng pamahalaang Pilipinas ang makasaysayang pagpupulong nina United States President Donald Trump at North Korean leader Kim Jong Un.

Sinabi ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na bagaman marami pang hamon na kasunod ang nasabing pulong para makamit ang tunay na kapayapaan sa Korean Peninsula, ang unang paghaharap nina Trump at Kim ay nagbibigay ng mensahe na mahalaga ang dayalogo at diolomasya sa pagresolba ng mga isyu.

Inaasahan naman umano ng Pilipinas na bunsod ng pagpupulong, sa hinaharap ay ibabasura na ng North Korea ang nuclear program nito.

“The Philippines hopes that the precedent set today will provide impetus to further concrete actions towards the goals of denuclearization of the Korean Peninsula, the establishment of lasting peace, stability and security in the region,” ayon kay Cayetano.

Handa umano ang Pilipinas na mag-ambag ng magagawa nito para matupad ang nabanggit na mga mithiin. Isaac Mendez

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?