99

Nov 25, 2019 @ 14:32
By

DENR worker binaril sa Surigao

Pang-apat na si special land investigator Joash Peregrino sa mga government environmental worker na pinatay sa loob lamang ng tatlong buwan ngayong 2019.

Binaril sa loob ng kanyang naka-park na kotse ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) worker sa Surigao del Sur nitong nakaraang linggo.

Ayon sa ulat, bumili sa tindahan malapit sa tanggapan ng DENR – Bislig City ang kanyang asawa at kapwa DENR worker kaya pinark ni Peregrino ang kotse. Doon na namatay ang lalaki na nakatalaga sa Community Environment and Natural Resources Office (Cenro) sa lugar.

Hinala ng opisyal ng DENR, konektado sa trabaho ni Peregrino bilang special land investigator ang nangyaring pamamaslang.

“The killing of our colleague … may also have something to do with the strengthened efforts of our personnel at the field offices led by our Cenro officers on antitimber poaching and smuggling,” ayon kay DENR – Caraga executive director Felix Alicer sa isang pahayag.

Nitong Setyembre 2019, pinagtataga si forest ranger Bienvinido Veguilla Jr. ng mga illegal logger na nahulihan ng chainsaw sa El Nido, Palawan.

Isang linggo lang pagkatapos, pinagbabaril ng riding-in-tandem sa Nueva Ecija si Gaudencio Arana na isang DENR informant.

Nitong Oktubre naman binaril sa kanya mismong bahay si forest ranger Ronaldo Corpuz, muli sa Nueva Ecija.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?