36

Sep 17, 2020 @ 20:00
By

DENR pumalag: Fish kill sa Manila Bay hindi kasalanan ng ‘white sand’

Itinanggi ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mga alegasyong dahil sa mga dolomite ang paglutangan ng mga patay na isda sa Baseco portion ng Manila Bay.

Ani DENR Undersecretary Benny Antiporda nitong Huwebes, maling-mali na agad isisi sa kontrobersiyal na “white sand” ang pagkamatay ng mga isda.

“What I can say is as of now, these claims are doubtful, quick assumptions that the fish kill was brought by the nourishment is erroneous. Because if that happened due to the nourishment area, would you imagine, the dead fishes should have washed up at the pier, near the Manila Baywalk area, and not in Baseco,” paliwanag ni Antiporda.

“That’s our view, immediately saying that dolomite caused the issue is very erroneous. Now, for the satisfaction of everybody, we will fly drones over the area tomorrow to see their claims,” dagdag niya.

Giit pa niya, karamihan ng isda malapit sa Manila Bay ay mga tilapia.

Kumalat sa social media ang mga larawan ng naglutangang patay na isda sa Manila Bay nitong Huwebes, isang araw matapos manalasa ang habagat sa Metro Manila at kalapit na lalawigan.

Maraming netizen ang nagsabing maaaring ang mga durog na dolomite ang sanhi ng fish kill matapos itong humalo sa dagat.

Pero ayon kay Antiporda, imposibleng makarating ang “white sand” sa Baseco at mangyari lang ang fish kill sa naturang lugar.

“The distance between the nourishment and Baseco is just five kilometers away, so it is impossible that the fishes ended up there and none here. That is not due to the dolomite. They immediately made that angle, other reporters, that is what they placed but here is our explanation,” giit ni Antiporda.

“So we’re looking at the situation that it might be possible that it was the same as last year, a fish kill happened last October 10, maybe this year it was earlier. That’s what we’re looking at,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?