16

Oct 27, 2020 @ 13:00
By

DENR: Para ‘di black sand ang tangayin, dolomite itatambak sa tubig

May naisip na solusyon ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa “discoloration” ng pekeng white sand sa Manila Bay.

Tambakan ng dolomite sand maging ang tubig, para hindi na regular na itim na buhangin ang tatangayin sa beach kapag may masamang panahon.

“May discoloration kasi ‘yong black sand niya, pumapatong doon dahil sa lakas ng wave, dinadala ‘yong black sand, ‘yong regular sand, but this is a clean sand naman eh,” sambit ni DENR Undersecretary Jonas Leones kahapon, sa isang ulat.

“Nakikita natin ‘yong magiging problema. Pwede laging mag-adjust. So later on, lalagyan pa rin namin [ng] dolomite ‘yon pati sa tubig na, para at least, pagka lumakas ‘yong wave, hindi na black sand ang dadalhin ng tubig, white sand na,” aniya pa.

Sa tantya ng DENR, nasa 10 porsiyento na ng dolomite sand ang tinangay sa dagat dulot ng malalakas na ulan kamakailan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?