68

Sep 3, 2020 @ 23:44
By

DENR inokray ng ‘bata’ ni Isko sa Manila Bay white sand

Para sa chief of staff ni Manila Mayor Isko Moreno na si Cesar Chavez, masasabi lang na ligtas nang maligo sa Manila Bay sa Roxas Boulevard kung lahat ng empleyado at opisyal ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ay magtatampisaw dito.

Isama na rin aniya ang kanilang mga anak at apo sa sabay-sabay na pagligo sa Manila Bay, white sand man ito o hindi.

Reaksyon ito ni Chavez sa gitna ng mga kritisismo sa plano ng DENR na buhusan ng white sand ang Baywalk ng Manila Bay.

“Kailan ba safe na maligo sa Manila Bay (Roxas Blvd)? Iyon po ay ang araw na lahat ng empleyado at opisyal ng @DENROfficial at ang kanilang mga anak at mga apo ay sabay-sabay na maliligo sa Manila Bay, white sand man o hindi,” tweet ni Chavez.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?