denr
By

DENR humugot ng mga tauhan, itinapon sa Bora

Sharing is caring!

Dahil kulang ang kanilang mga tauhan sa Region 6 para pangasiwaan ang rehabilitasyon ng Boracay Island, humugot si Environment and Natural Resources Secretary Roy Cimatu sa iba nilang regional offices.

Aniya, may 100 tauhan sila ngayon sa Boracay para pangasiwaan ang pagsasaayos ng isla.

Sinabi nito pangunahing misyon ng kanyang mga tauhan ay alam ang pinagmumulan ng tumatagas na waste water sa dagat, ang pagpapatayo ng mga istraktura sa mga wetlands at forestlands, maging sa coastal easement areas.

Ibinahagi nito na kinutuban na siya na may seryoso silang gagawin sa Boracay nang marinig niya ang talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte kung saan tinawag niyang ‘cesspool’ ang Boracay.

Iginiit nito na determinado sila na linisin at ayusin ang isla sa loob ng anim na buwan na pagkakasara nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?