13
recycle
By

DENR, hinimok na pag-aralan ang recycling process ng ibang bansa

Sharing is caring!

Dapat umanong makipag-ugnayan ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) at ibang research bodies sa Pilipinas sa mga foreign country para sa teknolohiya ng pag-recycle sa mga plastic para maging construction materials.

Ayon kay Barbers, ang nasabing materyales ay maaaring gamitin sa paggawa ng mga pabahay para sa mahihirap.

Sabi ng kongresista, lumalala ang marine pollution sa bansa dahil sa mga plastik at iba pang mga basura na bumabara sa mga daluyan ng tubig.

Base aniya sa 2015 report patungkol sa plastic pollution ng international group na Ocean Conservancy at McKinsey Center for Business and Environment, ang Pilipinas ang ikatlo sa buong mundo sa pinakamalaking source ng basurang plastic sa karagatan at nangunguna naman sa Southeast Asia.

Sa kabilang banda, lumabas naman aniya sa brand audit ng environmental groups na Global Alliance for Incinerator Alternatives (GAIA) at Mother Earth Foundation (MEF) nito lamang Hunyo 1, na anim sa top 10 plastic polluters sa anim na lungsod sa bansa ay multinational brands.

Isinagawa ang audit sa Malabon, Quezon City, Batangas City, Nueva Vizcaya, Tacloban City, at San Fernando, Pampanga.

Dahil dito, iginiit ni Barbers na dapat i-tap ng DENR ang teknolohiya mula sa ibang bansa na nagtagumpay sa kanilang pagbabawas ng plastic footprint.

“We don’t have to wait for the rainy season before we realize that this environmental scourge would further claim the lives of more people, particularly those living in fenceline communities and esteros,” sabi ni Barbers.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?