39

Oct 19, 2021 @ 18:29
By

DENR gulat sa pagbaha ng tao sa Dolomite beach

Nahihirapan umano ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa pagpapatupad ng health protocols sa Dolomite beach sa Manila Bay dahil hindi nila inasahan ang pagbuhos ng tao sa lugar.

“Ang problema natin doon ‘yung mga strangers eh na di talaga magkakakilala, kaya nga nangyari samin doon…talagang ang hirap mong iimplement dahil napakabilis talaga ng bugso ng dami ng tao lalo na noong Sunday talaga,” pahayag ni DENR Undersecretary Jonas Leones sa panayam ng dzBB.

Dugtong pa niya, hindi intensyon ng ahensya na buksad agan ang Dolomite beach sa publiko ngunit nakaplano na ang pagbubukas nito tuwing weekend dahil patapos na raw ang ilang parte ng naturang proyekto.

“Nasabik yung mga tao eh. Parang delubyo pag pumasok don sa gate eh,” wika pa ni Leones.

Paalala rin niya, bawal pa ang maligo sa Manila Bay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?