20
DOT
By

DENR, DOT isasalba ang Boracay

Sharing is caring!

Kumilos na ang Department of Tourism (DOT) katuwang ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) para maisalba ang Boracay Island sa patuloy na pagkawasak.

Pinuna nina Tourism Sec. Wanda Tulfo-Teo at Environment Sec. Roy Cimatu na hindi na nagkakaroon ng balanse sa isyu ng environmental conservation at tourism development sa isla, na ilang taon nang kinikilala bilang No. 1 Most Beautiful Island sa mundo.

Sa isinagawang multi-sectoral meeting sa isla, ipinagdiinan ni Tulfo-Teo ang kontaminasyon ng tubig ng Boracay dahil sa hindi tamang sistema ng water waste disposal.

“It’s a shame that Boracay, which has repeatedly been recognized by prestigious travel magazines as the World’s Most Beautiful Island, may yet end up a paradise lost if water contamination continues,” giit ni Teo.

Ibinahagi nito na kada taon, dalawang milyong banyagang turista ang dumadalaw sa Boracay at sila ay gumagasta ng halos P50 bilyon.

Hindi na rin nakapagtimpi ang kalihim na sisihin ang ibang negosyante na itinatapon ang kanilang maduming tubig sa rainwater drainage system na dumadaloy patungong dagat.

Magugunita na naging viral sa social media ang mga larawan ng flashflood na nangyari sa Boracay noong nakaraang buwan dahil sa bagyong Urduja.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: , ,