24

Oct 9, 2020 @ 21:00
By

DENR: Dolomite sa Manila Bay kulang pa

Kailangan pang dagdagan ang mga dinurog na dolomite rock sa Manila Bay para sa beautification project dito ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Saad ni DENR Unversecretary Benny Antiporda, ang paunang delivery ng dolomite ay kulang pa sa 500 meter area na lalagyan ng pekeng puting buhangin.

Ayon sa opisyal, 120 meter pa lamang ang nalalagyan ng buhangin, ngunit nilinaw naman na kasama na sa P389M pondo ang parating pang dolomite rock.

“Aaminin natin kulang ‘yung dolomite na dumating sa atin, kung kaya’t mapapansin ninyo talagang kakarampot lang. Pero dahil sa doon sa, nagiisip na babayaran pa muli sa susunod na delivery nagkakamali po kayo. ‘Yung P389 million for the 500 meters na po ‘yun. ‘Yung buong proyekto na po ‘yun, wala na idadagdag na i-gagastos doon ‘yung ating pondo,” paliwanag ni Antiporda.

Aniya pa, kontraktor at Department of Public Works and Highways na ang bahala kung saan kukuha ng mga idadagdag na dinurog na dolomite.

Hindi rin umano dapat mangamba ang publiko dahil ang mga contractor ang sasagot sakaling lumubog ang mga dolomite sa Manila Bay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?