8

Sep 16, 2020 @ 16:08
By

DENR ayaw paawat sa Manila Bay white sand

Tatapusin pa rin ang paglalagay ng synthetic white sand sa Manila Bay na gawa sa dolomite rock, ayon sa Department of Environment and Natural Resources, kahit pa marami nang mamamayan ang tumututol dito.

“Now, more than ever, the DENR is determined to finish the project to give our people a nice, cozy, and clean place to relax, recreate and enjoy the world’s most beautiful sunsets,” sabi ng DENR kahapon.

“No amount of baseless and harsh criticisms will prevent us from performing the gargantuan and extremely difficult task of restoring our beloved Manila Bay,” dagdag nito.

Nanawagan kamakailan ang tatlong senador na pansamantalang ihinto ng DENR ang white sand project nito, matapos sabihin ng Department of Health (DOH) na nakapagdudulot ng respiratory illness ang dolomite dust na itatambak sa Manila Bay.

Samantala, kumambiyo naman ang DOH at sinabing ang dolomite na nasa “bulk state” ay hindi mapanganib sa kalusugan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?