94

Feb 18, 2020 @ 21:57
By

Dennis Uy ka-level na sina Diokno, Dominguez, Pernia

Pinuna ng isang netizen ang print ad para sa nalalapit na business forum ng isang pahayagan.

Makikita sa print ad na kahanay ng negosyanteng si Dennis Uy ang apat na gabinete pati na ang country director ng World Bank (WB).

Ito’y sina Bangko Sentral ng Pilipinas Gov. Benjamin Diokno, Department of Finance Sec. Carlos Dominguez III, National Economic and Development Authority Director General Ernesto Pernia, Department of Budget and Management Secretary Wendel Avisado at WB Acting Country Director Achim Fock.

“Nakakatawa yung print ad para sa upcoming business forum ng Manila Times. Keynote speaker si Dennis Uy at kahanay niya ang 4 cabinet secretaries plus acting country director ng World Bank. Iba rin eh,” tweet ni @jcpunongbayan.

Si Uy ay Davao-based businessman. Nakipag-partner ang pag-aari niyang Udenna Corp. sa state-run China Telecom para mabuo ang Mislatel Consortium (Dito Telecommunity na ngayon), na siyang pinangalanang ikatlong telco company na bubuwag sa duopoly ng Globe at PLDT-SMART Communications.

Isa rin siya sa sinasabing naging campaign contributor ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?