1,380

Sep 25, 2021 @ 15:03
By

Dennis Trillo nanggalaiti, inorder na pagkain may bubog

Nabuwisit si Dennis Trillo sa isang restaurant sa Marikina matapos makita ang mga bubog na nakahalo sa pagkain na inorder niya para sa nobyang si Jennylyn Mercado.

Sa burado nang Instagram post ng aktor, sinabi niyang walang nakalistang phone number ang naturang restaurant kaya nag-message na lang siya sa IG account nito pero wala pa siyang natatanggap na reply nito.

Ipinakita ni Dennis ang mga bubog na nakuha sa pagkain ni Jen.

“Ayaw ko lang na mangyare pa sa iba ito… Since wala kayong contact number, at hindi kayo nag rereply sa IG message ko, Baka sakaling makarating na sa inyo ito,” sabi ni Dennis.

“Nag order ako kagabi para kay Jen around 6pm, ito ang nangyare. Bakit may BUBOG sa pagkain niya???” dagdag niya.

Sa ibinahagi namang video ng fan page na foreverjennylyn, maririnig ang boses ng aktres na sinabing mabuti raw ay hindi niya nalunok ang bubog.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?