25

Sep 12, 2021 @ 16:33
By

Dennis Trillo nag-selfie kasama si ‘Parasite’ director Bong Joon-ho

Tamang flex lang si Dennis Trillo sa Instagram matapos niyang makatabi at maka-selfie ang award-winning South Korean director na si Bong Joon-ho.

Kasalukuyang nasa Italya kasi ang aktor matapos mapabilang sa 78th Venice Film Festival ang pelikulang pinagbibidahan niya kasama si John Arcilla na “On the Job: The Missing 8.”

Bukod sa ‘Parasite’ director, personal ding nakilala ni Trillo ang aktres na sina Cynthia Erivo, Sarah Gadon at ang grand juries ng naturang patimpalak.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?