229

Nov 1, 2017 @ 9:35

Dennis Trillo minulto ng musician

By JUN NARDO

Katatakutan ang umiiral tuwing sumasapit ang Undas sa halip na pag-alala sa ating mga yumao. Bentang-benta kasi ang tinatawag na horror stories sa ganitong okasyon dahil walang pinipiling tao at oras ang nakakaranas ng ganitong makapanindig-balahibong kuwento.

Ngayong All Saints’ Day, kumalap kami ng mga kakaibang kuwento na naranasan ng ilang artista na maging sila ay naguguluhan kung totoo nga ito o hindi.

“Noong nakatira pa ako sa bahay ng parents ko, nadoon ‘yung drum set ko. Kaming dalawa lang ng pinsan ko ang nasa bahay kasi lahat sila umalis, pumunta ng sementeryo at kami ang naiwan.

“Nandoon kasi kami sa itaas, ‘yung kuwarto ko nasa baba at nandoon ‘yung drum set. Tapos, bigla na lang nagtaka ‘yung katulong namin may nagda-drums daw sa baba eh wala namang tao roon!” kuwento ni Dennis Trillo, na may feeling na ang nagmulto sa kanila ay isang musikero.

Pag-aalala naman ni Chynna Ortaleza: “We were doing a Halloween special episode for Click in San Miguel, Bulacan. It was an eerie old resort named Mansion House. The place itself gave us the chills. All of us stayed in one room and we never wandered off alone. My mom can see the spirits and she told us to stay in the lights. The spirits wanted new friends to take with them.”

Sa tinitirhang condo naman ni Bea Binene siya nakatikim ng pagtindig ng balahibo.

“Sa elevator ng condo namin, pagpasok ko walang ibang tao pero nagulat ako na nakapindot na ‘yung floor na pupuntahan ko,” kuwento ni Bea.

Batang nakaputi naman ang lumantad kay Jake Vargas sa bahay nila.

“Bata pa lang ako noon. Isang gabi, bumabagyo tapos brownout sa bahay namin. Nagulat ako biglang may batang nakaputi. Sa gulat ko, tinanong ko kung sino siya at ano ang ginagawa niya sa loob ng bahay namin. After a while, bigla na lang siyang nawala,” chika naman ni Jake.

Sa set naman ng horror movie na The Debutantes nakaranas ng kakaibang pangyayari ang mga artistang sina Sue Ramirez, Miles Ocampo, Michelle Vito, Jane de Leon at Channel Morales. Sa limang ito, pinakamatapang si Sue na gustong maranasang makaharap ang mga ispiritu.

Tandang-tanda naman namin ‘yung summer episode ng Vilma! ni Ate Vi sa isang sosyal na resort sa Cavite. Invited ang ilang press doon na nag-overnight. Matapos ang buong mag-araw na taping, time to rest na.

May nag-shower na press. Isinara niya ang pintuan ng banyo na malapit sa kama ng ilang press. Nagulat lahat ang mga bading nang nagsisigaw ang naliligong writer. Bumukas kasing bigla ang pinto habang naliligo siya eh ni-lock daw niya ‘yon!

Hubo’t hubad ang bading na lumabas ng banyo pero walang kapwa bading na nag-interest tingnan ang hitsura niya, huh! Hindi lang ang writer na ‘yon ang nakaranas ng kuwentong ganoon dahil ‘yung isang kasama namin, naloka siya dahil ‘yung tubig na lumalabas sa shower ay hindi cold kundi hot, huh!

Sa movie producers, ang kabilib-bilib naman ay si Mother Lily. Mahilig siyang gumawa at manood ng horror films pero pagdating sa kuwentong katatakutan, nangunguna siya sa pagsaway at pagpapatigil nito, huh!

Kuwento pa lang, takot na takot na siya kaya ‘pag feel niyang pumunta sa banyo, nagpapasama siya nu’ng time na may yaya pa siya at hindi isinasara ang pinto ng comfort room habang umiihi dahil sa takot, huh!

Sa ganyang sitwasyon, payo ng ilang pari, tumahimik at magdasal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?