69

By

Dennis Rodman, naiyak sa historic Trump-Kim summit

Sharing is caring!

Naging emosyonal si NBA Hall of Famer Dennis Rodman sa isang TV interview hinggil sa summit nina President Donald Trump at North Korean leader Kim Jong Un.

Suot niya ang pula na sumbrero na may nakasulat na “Make America Great Again” at itim na sunglasses, nagsalita si Rodman ng nasa 20 minuto tungkol sa relasyon niya kay Kim at kung ano ang inaasahan nito sa historic meeting sa Singapore.

Naiyak na siya sa kalagitnaan ng interview.

“We have really put ourselves on the line to reach out to North Korea and they have been so gracious to me, my family and the United States. So let’s make this happen. If Trump can pull this off, more power to him,” ani Rodman sa CNN.

Nagtungo sa Singapore si Rodman bago ang summit pero hindi siya bahagi ng meeting ng dalawang lider.

Kapwa dumating sina Trump at Kim sa Singapore noong Linggo para sa summit na inaasahang tatapos sa isyu ng nuclear weapons.

Partikular na ikinaiyak ni Rodman nang alalahanin niya ang pag-uwi mula sa first trip niya sa North Korea.

Kinastigo umano siya dahil sa naturang trip at inisnab ng White House nang tangkain niyang ihatid ang mensahe ni Kim kay noo’y President Barack Obama.

“Everybody came at me and I am still standing,” ani Rodman. “And today is a great day for everybody. I’m so happy.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?