162

Aug 5, 2022 @ 20:28
By

Dennis Padilla nainggit kay Cesar Montano

Tila nainggit si Dennis Padilla sa naging selebrasyon ng kaibigan niyang si Cesar Montano sa 60th birthday nito.

Present kasi ang lahat ng anak ni Cesar kahit magkakaiba ng nanay, tulad nina Diego Loyzaga, Angelina, Chesca at Sam Cruz.

Nagdiwang si Cesar ng kanyang ika-60 kaarawan nitong August 1, 2022.

Sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Dennis ang isang larawan sa birthday celebration ni Cesar.

Nagdadasal si Dennis sa kanyang caption na sana raw makapiling din niya ang lahat ng anak sa kanyang ika-61 kaarawan sa February 9, 2023.

“Happiiii bday pareng buboy!! Congrats!! Praying na sana sa bday ko… 🙏 ❤ 🎁.”

Una nang nagtampo si Dennis sa kanyang mga anak sa dating asawang si Marjorie Barretto, kabilang na si Julia, dahil hindi umano siya binati noong Father’s Day.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?