2,503

Jan 5, 2022 @ 19:56

Dennis Orcollo pinalayas sa Amerika

Umuwi agad sa Pilipinas si pool player Dennis Orcollo matapos siyang i-deport mula America dahil sa pag-overstay sa naturang bansa.

Dumating sa Los Angeles airport si Orcollo noong Linggo, ngunit kaagad siyang dinetine matapos malamang overstaying na ang kanyang visa.

Ito na umano ang ikalawang violation ng Pinoy athlete.

Sa Facebook post ng Billiard Planet, sinaad ng billiard player na posibleng limang taon siyang pagbawalang makapasok sa Amerika.

16 oras umano siyang hinarang sa USA bago makakuha ng flight pauwi sa Pilipinas.

Nais ni Orcollo na makakuha siya ng athlete visa para makapaglaro pa rin sa mga tournament sa USA.

Si Orcollo ay gold medalist sa 2010 Asian Games, at limang beses nagkampeon sa Southeast Asian Games.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?