73

Dec 20, 2017 @ 19:31
By

Dennis excited nang makipagharutan kina Rhian, Max at Lovi

Mga out of this world concept nga raw ang handog ng GMA Entertainment Content Group sa first quarter pa lang ng 2018. Ipinakita na nga sa omnibus plug na Paskong Kapuso 2017: The GMA Christmas Special last Sunday (Dec. 17) ang mga dapat asahan sa kanila.

First on the list nga ay ang sexy, romantic-comedy series na The One That Got Away, na pagbibidahan nina Lovi Poe, Max Collins and Rhian Ramos. Si Dennis Trillo plays an important role in the program as Liam, the ex-boyfriend of the three women. Pasok din sa eksena sina Ivan Dorschner, Migo Adecer and Jason Abalos.

Extraordinary story nga raw ito about three women who formed an unlikely but strong friendship after discovering that in different times in their lives, they were romantically linked with the same guy. Mula ito sa direksiyon nina Maryo J. Delos Reyes at Mark De La Cruz.

Sa tsikahan namin ni Dennis, inamin niyang excited na siyang makipagharutan, o pag-agawan ng tatlong babae. Never pa raw niyang na-experience ‘yon, na may tatlong babae, na magkakakilala, na dumaan sa buhay niya. Na siyempre, hindi naman kapani-paniwala, dahil may mga kilala kaming mga taga-showbiz na nagkaselosan pa noon dahil kay Dennis.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?