90

By

Dennis ayaw pilitin ang sarili na pakasalan si Jennylyn

Sharing is caring!

“Oo naman. ‘Yun lang, wala pang plano. Hindi pa napagpaplanuhan dahil ang feeling ko, ayoko lang bigyan ng deadline ang sarili ko.

“Alam ko na hindi kami parehong bumabata pero kapag mga ganoong bagay, gusto ko lang, mas pinaplano siya na mas maigi. Ayoko ‘yung nagpapadala lang sa pressure ng ibang tao kaya ko gagawin o mapipilitan akong gawin,” ang sabi ni Dennis.

Malaki ang kinalaman ng maturity nina Dennis at Jennylyn sa matatag na pagsasama nila ngayon, kung ikukumpara sa kanilang unang relasyon na humantong noon sa hiwalayan.

“Malaking bagay ang maturity. ‘Yon ang pinaka-importanteng bagay sa lahat. Siguro noong mga bata pa kami, maraming mga hindi naitama du’n sa mga pag-uugali namin pareho pero ngayon, mas habang nagma-mature kami, tumanda, maraming natututunan, maraming na-realize kaya siguro, okey kami pareho ngayon.”

Ano ang mga realization mo nang magkabalikan kayo ni Jennylyn?

“Sa isang relasyon, walang mga mistake. Ano lang, puro mga lesson lang na kailangan mo na i-master. ‘Yun siguro ang mga na-achieve namin, na-master na namin ‘yung mga lesson kung saan kami nag-fail dati so mas okey na kami ngayon.”

Kumusta ka bilang boyfriend?

“Ako, ano, medyo maalaga ako. Mapagmahal, siyempre. Itina-try ko na ibigay lahat ng best ko.”

Hindi ka naman seloso?

“Konti, siyempre, kapag nawala ‘yung selos, feeling ko wala ka na ring pakialam du’n sa tao. Para sa akin, healthy ‘yung may konting selos, hindi naman inggit pero selos dahil ayaw mo siyang makuha ng iba.” (Jojo Gabinete)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }