480

Apr 9, 2019 @ 18:41
By

Denise Laurel handang gumanap na Valentina sa ‘Darna’

Isang fan ang nagpahayag sa social media na bagay umanong gumanap na Darna si Denise Laurel na agad namang sinagot ng huli.

“I don’t know pero una pumasok sa isip ko si [Denise]. I think bagay sa kanya. Ang sexy niya kasi ang also gorgeous,” saad ng netizen sa isang post sa Twitter.

Agad namang tinanggihan ni Laurel ang naturang suhestiyon dahil mas game umano itong gumanap na Black Darna o ang pamosong Serpent Queen na si Valentina.

“Haha me?! Black [Darna na lang] or Valentina, [go],” sagot ni Laurel sa naturang tweet.

Ngunit bago pa man mag-withdraw si Direk Erik Matti bilang direktor ng naturang pelikula ay ipinahayag na nito na may napili na silang gaganap sa role ni Valentina.

Hindi pa man nirereveal ng management kung sino ang gaganap na Valentina ngunit naiuugnay na sa naturang role sina Anne Curtis at Sarah Lahbati.

Samantala, patuloy pa rin ang paghahanap ng ABS-CBN at Star Cinema sa susunod na Darna matapos na ianunsiyo ni Liza ang pagtalikod sa role dahil sa kaniyang finger injury.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?