97

Dec 20, 2017 @ 10:22
By

Dengvaxia Watch, inilunsad ng Gabriela

Binuksan na ng grupong Gabriela ang Dengvaxia Watch na naglalayong kumalap ng mga impormasyon at reklamo mula sa mga magulang ng mga batang nabakunahan ng anti-dengue vaccine.

Ayon kay Gabriela partylist Rep. Arlene Brosas, layunin ng Dengvaxia Watch na bantayan ang kondisyon ng kalusugan ng mga batang nabakunahan ng Dengvaxia.

Maaaring tawagan ang mga numerong (02) 353-5077(LANDLINE); 0977-6274755(GLOBE); 0908-3653366(SMART) o hanapin ang facebook page na Dengvaxia Watch o kaya naman ay mag-email sa dengvaxia.watch@gmail.com

Ayon kay Brosas, bukas ang hotline buong linggo mula alas-otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon.

Kaugnay nito’y inihahanda na rin ng Gabriela ang ihahaing kaso sa Korte Suprema kung saan kasama sa kanilang hihilingin ang mabigyan ng libreng serbisyong medikal ang mga magkakasakit dahil sa Dengvaxia.

Nasa apatnapu na anya ang petitioners dito kasama ang mga batang nabakunahan sa Navotas at Valenzuela. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?