193
views

By

Dengvaxia report, personal na banat ni Gordon kay Noynoy – De Lima

Sharing is caring!

Humanay si Senadora Leila de Lima sa tumutuligsa sa draft report ni Senador Richard Gordon ukol sa Dengvaxia controversy na inimbestigahan ng Senate Blue Ribbon Committee.

Ayon kay De lima, hindi legislative investigation report ang inakda ni Gordon na draft report.

Maituturing umano iyon na personal manifesto lang ni Gordon laban kay dating Pangulong Benigno Aquino III at sa administrasyon nito.

“The Blue Ribbon Committee Dengvaxia report is Gordon’s personal diatribe against former President Aquino. Nothing more, nothing less,” ani De Lima.

Pinuna sa draft report ni Gordon, na chairman ng Blue Ribbon Committee, sinabing walang malasakit si Aquino sa mga batang binakunahan ng Dengvaxia at wala raw kaibahan sa hindi pagbisita ni Aquino sa mga napatay sa Mamasapano encounter.

Diin ni De Lima, wala namang kinalaman ang Mamasapano incident sa Dengvaxia issue at hindi totoong hindi dumalaw si Aquino sa mga napatay.

Ayon sa nakakulong na senadora, kung iniligtas ni Gordon si Pangulong Rodrigo Duterte sa imbestigasyon ng Senado ukol sa extrajudicial killings, siya namang pagdidiin nito kay Aquino sa Dengvaxia issue.

Hindi na aniya nakapagtataka kung kakaunti o walang senador na pipirma sa draft report na iginiit ni Gordon na tawaging chairman’s report.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?