69

By

Dengvaxia report, pang-cover-up ng kapalpakan ng gobyerno – LP

Sharing is caring!

Kinuwestiyon ng Liberal Party ang timing ng pagpapalabas ng Senate committee report sa isyu ng Dengvaxia at sinabi maaring isang hakbang ito para pagtakpan ang mga kontrobersiyang kinasasangkutan ng administrasyong Duterte.

“This is simply a smokescreen of the administration to hide the issues hounding its officials,” pahayag ni dating Congressman Erin Tanada, vice president for external affairs ng LP.

“Why was the committee report released to the public before it has been filed or sponsored? Are not the signatures of majority of the committee members required before the report can be filed?” tanong nito.

“What happens to the report if the majority disagrees? Wala pang pirma eh,” dagdag pa ni Tanada.

Sinag-ayunan naman ito ni Senador Bam Aquino.

“Though this report has not been made available to the members of the Blue Ribbon Committee, if the final report reflects yesterday’s statements and political leanings, we will have serious concerns with the conclusions made,” ani Aquino.

Ayon pa sa senador, wala namang napatunayan na may batang namatay dahil naturukan ng Dengvaxia vaccine.

“Ang isang mahalaga na lumabas sa presscon kahapon ay wala pang napatutunayan na may batang namatay dahil sa Dengvaxia vaccine,” ani Aquino.

Giit pa ni Tanada ang paglabas ng report ay kaalinsabay ng napipintong pagsara ng Boracay, utos ni Duterte sa Kamara na madaliin ang impeachment process laban kay Chief Justice Lourdes Sereno, at pagtaas sa presyo ng mga bilihin at serbisyo.

“Nais na naman nilang ilihis ang isyu mula sa kapalpakan at kontrobersyang bumabalot sa administrasyong ito para matuon sa LP ang galit ng taumbayan,” saad ni Tanada.

Sabi naman Ifugao Rep. Teddy Baguilat, hindi patas ang report na ginawa ni Senate blue ribbon committee chair, Sen. Richard Gordon dahil nakapokus lang ito sa ilang personalidad ng nagdaang administrasyon at inabsuwelto ang kasalukuyang pamahalaan.

“Hindi lang sa nakaraang administrasyon ipinatupad ang bakuna sa Dengvaxia kundi sa kasalukuyang administrasyon. Nakakapagtaka na nakatuon lang ang report ni Sen. Gordon sa nakalipas na administrasyon,” ayon kay Baguilat.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?