56
views

By

Dengvaxia report ni Gordon, premature – Ejercito, Hontiveros

Sharing is caring!

Umangal ang mga senador sa pagsasapubliko ni Senador Richard Gordon sa binalangkas nitong Blue ribbon committee report ukol sa sa kontrobersyal na Dengvaxia.

Sinabi ni Senador JV Ejercito na pinulong sana muna ni Gordon ang mga myembro ng kumite para nangibabaw sa committee report ang pananaw ng majority.

Si Ejercito ang chairman ng Senate committee on health na naging katuwang ng Blue Ribbon committee sa pagsisiyasat sa usapin.

Umangal din si Senadora Risa Hontiveros dahil inunang bigyan ni Gordon ng draft report ang media bago silang mga senador na kasapi ng Blue Ribbon.

Tanong ni Hontiveros kung ganito na ang kalakaran na isinasapubliko ang isang committee report na wala pang numero o hindi pa pormal na naisusumite sa Senado at hindi pa napipirmahan ng mga senador.

Dahil dito kaya aniya sa tingin ng marami ay pulitikal ang imbestigasyon ukol sa Dengvaxia.

“I was surprised that the contents of the unnumbered and unsigned Blue ribbon committee report on the Dengvaxia resolution were already released to the media/public even before copies were given to the membes of the committee,” ani Hontiveros.

“Ganyan na ba ngayon sa Senate blue ribbon committee? Nakakalungkot at lalo tuloy bumibigat ang obserbasyon ng marami na nagiging political na ang imbestigasyong ito,” dagdag ng senadora.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?