dengvaxia
By

Dengvaxia probe muling bubuksan ng Kamara

Sharing is caring!

Nakatakda ulit imbestigahan ng House committee on good government and public accountability ang imbestigasyon nito sa kontrobersyal na dengue vaccine.

Ayon sa chairman ng komite na si Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel, muli nilang bubuksan ang pagdinig sa susunod na linggo kasunod ng developments sa Dengvaxia.

Sinuspinde ng Department of Health (DOH) ang dengue vaccination program matapos aminin ng Sanofi Pasteur na maaaring magdulot ng mas malubhang sakit ang bakuna sa mga naturukan nito na hindi pa nagkaka-dengue.

Unang inimbestigahan ng House committee on health ang Dengvaxia pero hindi naisapinal ang report nito dahil inilipat ang imbestigasyon sa good government committee para tutukan naman ang mahigit P3 bilyong kontrata ng DOH sa Sanofi Pasteur.

Pero base sa draft report nito, napansin ng mga kongresista ang magkakasalungat na mga teorya ng mga eksperto sa efficacy ng dengue vaccine.

Inirekomenda rin ng health committee na suspendihin ng DOH ang expansion ng pagbabakuna sa mga paaralan sa iba pang rehiyon hangga’t wala itong full evaluation.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?