75

By

Dengvaxia issue, ‘wag haluan ng pulitika — Lagman

Sharing is caring!

Hindi dapat haluan ng politika ang usapin sa anti-dengue vaccine na Dengvaxia.

Binigyang-diin ito ni Albay Rep. Edcel Lagman sa gitna ng kabi-kabilang batikos na natatanggap ng nakalipas na administrasyon sa nasabing proyekto.

Paliwanag ni Lagman, ang mga bagay-bagay tungkol sa bakuna ay isang medical issue na dapat tinutugunan ng mga eksperto at hindi ng mga politiko.

“The pros and cons on the vaccine are purely medical issues which must be addressed by a panel of impartial experts, not by amateurish legislators and partisan administrators,” ayon kay Lagman.

Binanggit naman ng kongresista ang mga tanong na kailangang masagot kaugnay ng Dengvaxia issue.

Kabilang aniya dito kung rekomendado ba ng World Health Organization ang paggamit ng Dengvaxia sa Pilipinas at sa iba pang bansa.

Gayundin, kung ang nasabing bakuna ay nagamit na sa ibang bansa bago sa Pilipinas at kung ang bakuna ay aprubado at sinertipikahan ng Food and Drug Administration.

Dapat din aniyang malaman kung sapilitan ba ang pagpapabakuna sa mga mag-aaral, kung merong nagkasakit matapos mabakunahan at kung nasunod ang bidding procedures sa programa.

“The sooner these questions are resolved, the better for anxious parents who have been disconcerted by adverse propaganda and misleading hypes,” sabi ni Lagman. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?