63
dengvaxia
Dec 17, 2017 @ 12:29
By

Dengvaxia fiasco, pasok sa graft – Pimentel

Maaaring maharap sa kasong katiwalian ang mga opisyal na responsable sa pagbili ng dengue vaccine.

Ayon kay Surigao del Sur Rep. Johnny Pimental, chairman ng House committee on good government and public accountability, ang minadaling pagbili ng P3.5 billion na halaga ng Dengvaxia noong 2015 ay mapanganib sa gobyerno.

“Under the law, entering into any contract or transaction that is deemed “manifestly and grossly disadvantageous” to the government constitutes a corrupt and unlawful practice,” sabi ni Pimentel.

“Officials found liable may be penalized with up to 15 years in prison, plus perpetual disqualification from public office,” dagdag ng kongresista.

Ihinalintulad pa nito ang pagbili ng Dengvaxia sa pagbili ng sasakyan na kung tawagin ay “lemon” dahil depektibo.

Kasabay nito’y hinimok ng mambabatas ang Sanofi Pasteur na ibalik na lamang sa gobyerno ang P3.5 billion na ibinayad para sa bakuna.

“This is the right thing for Sanofi to do. The sooner they give us back the money, the better,” giit ni Pimentel.

Hinimok din nito ang kumpanya na magtatag ng indemnity fund na pambayad sakaling magkasakit at ma-ospital sa hinaharap ang mga batang Pilipino na nabakunahan ng Dengvaxia.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?