41
noynoy-aquino
Dec 14, 2017 @ 13:21

Dengvaxia dumaan sa local, international process – Noynoy

Inihayag kanina ni dating dating Pangulong Benigno “Ninoy” Aquino III na ligtas ang paggamit ng Dengvaxia vaccine dahil dumaan ito sa matinding local at international process.

“Sinabi sa atin noon na ready na ang Sanofi sa bakuna. ‘Yung ganitong uri ng gamot maraming taon ang pinagdadaanan para masiguro talaga ang safety at efficacy,” pahayag ni Aquino sa joint hearing ng Senate blue ribbon, health, at finance committees.

“Ang intindi natin sa Dengvaxia natapos na ang local at international process na kailangang pagdaanan nito,” dagdag pa nito.

Paliwanag pa ng dating Pangulo, dumaan din ang Dengvaxia vaccine sa proseso sa United States Food and Drug Administration (USFDA).

“Tinignan namin ang US FDA, may five steps po ito: Discovery and Development, Preclinical Research, Clinical Research, FDA Review, at Post-Market Safety Monitoring,” sambit pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?