21

By

Dengvaxia cards ng DOH, pinepeke – Nograles

Sharing is caring!

Nagbabala si House Appropriations Committee Chairman Karlo Nograles tungkol sa pagkalat ng pekeng Dengvaxia cards na aniya’y puwedeng magpalala sa sitwasyon ng mga lehitimong nabakunahan.

Ang Dengvaxia cards ay ipinamahagi ng Department of Health (DOH) noong Enero sa mga estudyanteng naturukan ng Dengvaxia para magamit sa pag-monitor ng kalusugan ng vaccinees kasama ang pagpapa-ospital o pagpapagamot ng Dengvaxia patient.


Pero ayon kay Nograles, maging ito ay napepeke na ngayon.

Dahil dito’y pinakikilos ng kongresista si Health Sec. Francisco Duque III na maglagay ng safeguards sa beripikasyon ng Dengvaxia cards.

Pinagagawa rin nito ang DOH ng database para ma-verify kung talagang totoong vaccinees ang humihingi ng tulong sa gobyerno.

“The Dengvaxia cards will be key in monitoring the health status of the vaccinees. It will also facilitate hospitalization and treatment of the card holders as they may be needed. It is then incumbent upon the DOH to make sure that fake cards are identified and weeded from the system,” ani Nograles

“Profiling muna tayo. Mag-reach out muna tayo sa lahat, alamin natin ang sitwasyon ng mga bata. ‘Yun ang number one priority,” dagdag ng kongresista.

Naunang inihain ni Nograles ang House Bill 7449 o ang panukalang gamiting supplemental budget ang P1.16 billion na ibinalik ng Sanofi Pasteur sa gobyerno para sa mga hindi nagamit na Dengvaxia vaccines.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?