56

By

Dengue vaccine scandal, bubusisiin ni Duterte

Sharing is caring!

Hindi palalagpasin ng Malacañang ang kontrobersiyal na programa ng Department of Health (DOH) sa dengue vaccine na umano’y may hatid na peligro sa mga nabakunahang bata.

Sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque na si Pangulong Rodrigo Duterte mismo ang mag-aanunsiyo sa publiko kapag napatunayang may iregularidad sa programa ng DOH.

“If there are any irregularities, we will find out. If there are irregularities, then the President has said that he will take action,” ang pahayag ni Roque.

Nagsimula na aniya ang imbestigasyon ng Department of Justice at kasama sa tutukuyin kung sino ang nagdesisyon na bilhin ang mga bakuna sa nabanggit na kumpanya.

Umani ng sari-saring batikos at pananaw ang ulat na may peligro sa batang hindi pa nagka-dengue ang bakunang produkto ng Sanofi Pasteur dahil makakaranas ito ng dalawang araw na lagnat at hemophillia o pagpapantal ng balat.

Sinabi naman ni Health Assistant Secretary Lyndon Lee Suy na nakahanda silang humarap sa anumang imbestigasyon o posibleng kasong ihaharap sa kanila kaugnay sa Dengvaxia vaccine.

Pabor sa kanila na mabusisi ang programang bakuna at malinawan ang lahat dahil lumalaki na aniya ang isyu at may mga pag-uusig agad sa mga dating opisyal.

“We are ready for that. Prerogative ‘yan ng mga magulang o ng mga tao na gawan ng ganitong concern. May mga dokumento naman kami na magpapatunay na maayos naman lahat,” ang pahayag ni Dr. Suy. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?